Saturday, January 17, 2009

'God particle' matatagpuan na rin?: scientist


Maaaring malalaman na ang "God's particle" kung saan nagmula ang lahat ng bagay, pahayag ni Peter Higgs, 79, isang British physicist sa Geneva.


Mula pa noong 1960, sinubukang saliksikin ni Higgs ang sinasabing mga sangkap ng Diyos na diumano'y pinanggalingan ng lahat na bagay sa buong mundo at naniniwala ito ang naging kasangkapan ng Maykapal sa paglikha ng sangkatauhan.


Balak niyang pangalanan ang elementong ito na "Higgs boson," sakaling matuklasan ang binansagan niyang "God's particle," ang bukod-tanging kasagutan kung saan nagmula ang lahat ng bagay.


Malakas ang kumpiyansa sa sarili si Higgs na matutuklasan niya ang "God's particle," kasama ang mga nangungunang scientists sa European Organization for Nuclear Research o CERN, katulong at ang bagong diskubreng makinang LHC o Large Hadron Collider, isang particle accelerator.


Ang LHC ay ginawa upang isagawa ang mga eksperimento at magsuri sa mga elemento sa mundo. Kaya nitong pagbanggain, pagsamahin at paghiwalayin ang mga particle upang malaman ang pinagmulan ng mga elemento, base sa Quantum mechanics.


Sa ngayon, wala pa ring nadiskubreng "God's particle," ito ang naging balakid sa pinagtatalunang "Big Bang Theory," at kung ang lahat ng bagay sa mundo ay nanggaling sa kamay ng Diyos o sa isang biglaan pangyayari lamang.


Naniniwala ang mga scientist ng CERN, nakaimbento sa LHC, na masasagot na rin ang katanungan ng sangkatauhan kung saan nanggaling ang lahat at kung mapatutanuyang may "God's particle." Sa ngayon, malaki ang paniniwala ni Higgs na iisa lang ang lumikha ng lahat.


Ang Big Bang Theory ay isa sa sinasabing pinagmulan ng Sandaigdigan. Base sa teorya, ang Sandaigdigan ay dating isang "extremely compact dense" at napakainit. Sa hindi malamang dahilan, nagkaroon ng biglaang cosmic explosion na tinawag na "Big Bang" na makalipas ang 13.7 bilyong taon ang Sandaigdigan ay lumawak at lumamig. Ang teorya ay base sa mathematical equations na tinatawag na field equations of general relativity ni Albert Einstein noong 1915. - 30-

No comments:

Post a Comment