Saturday, January 17, 2009

Sangkap para mabuhay ang tao nadiskubre sa buwan ng


Mukhang totoo ang sinasabi ni Vatican astronomer Rev. Jose Gabriel Funes na meron mga aliens na nabubuhay sa ibang daigdig, matapos matuklasan may mga sangkap para mabuhay ang isang tao ang nadiskubre sa isang buwan ng planetang Saturn.




Napag-alaman ng mga scientists na nagtataglay ng mainam na klima, tubig at mga organic chemicals ang buwan na Enceladus, mga pangunahin sangkap na nagbibigay buhay.




Aksidenteng nasilip ng teleskopyo ng umikot ang Cassini spacecraft noong Marso 12, matapos manggaling sa pagmamasid sa planetang Saturn upang kumuha ng mga datus.




Mayroon itong mga geysers o hot spring na puno ng tubig, isa sa pinakamahalagang sangkap para magbigay buhay sa mga elemento tulad ng carbon dioxide, natural gas at complex organics, kung kaya’t, may posibilidad na kayang mabuhay ang mga tao sa buwan ng Saturn, sabi ni Hunter Waite, ng Soutwest Research Institute.




Katulad ng planetang Mars na kahalintulad ng Mundo (Earth), ang lupa at ang mga kimikong napalibot dito ay tamang-tama sa isang planeta may nabubuhay at ang geysers ay parang bulkan bumubuga ng tubig.




Paliwanag ng mga scientists, sobrang init ang nasa loob ng Enceladus kung kaya’t nagbubuga ng liquid o tubig sa paitaas.




Ayon sa mga scientist ng joint U.S.-European mission, sa ngayon, di pa masasabing may nabubuhay sa Enceladus kahit mayroon itong mga sankap para mabuhay ang isang tao. Kailangan pang dumaan ng maraming pagsusuri para malaman kung pwede ngang mabuhay ang tao sa Enceladus.




Marami rin dapat pang alamin ang tao, tungkol sa ating Solar System at sa buong Sanlibutan, ngunit walang makakaalam kung kailan mapapatunayan na hindi tayo nag-iisa sa buong kalawakan, dagdag ni Larry Esposito, ng University of Colorado.




Kamakailan, bagama’t magkaiba ang paniniwala ng relihiyon Kristiyanismo at Siyensiya kung paano nalikha ang daigdig, naging kagulat-gulat ang pagkakaroon ng isang taong alagad sa Diyos ang maniniwalang maaaring may mga taong taga-ibang planeta o aliens. -30-

'God particle' matatagpuan na rin?: scientist


Maaaring malalaman na ang "God's particle" kung saan nagmula ang lahat ng bagay, pahayag ni Peter Higgs, 79, isang British physicist sa Geneva.


Mula pa noong 1960, sinubukang saliksikin ni Higgs ang sinasabing mga sangkap ng Diyos na diumano'y pinanggalingan ng lahat na bagay sa buong mundo at naniniwala ito ang naging kasangkapan ng Maykapal sa paglikha ng sangkatauhan.


Balak niyang pangalanan ang elementong ito na "Higgs boson," sakaling matuklasan ang binansagan niyang "God's particle," ang bukod-tanging kasagutan kung saan nagmula ang lahat ng bagay.


Malakas ang kumpiyansa sa sarili si Higgs na matutuklasan niya ang "God's particle," kasama ang mga nangungunang scientists sa European Organization for Nuclear Research o CERN, katulong at ang bagong diskubreng makinang LHC o Large Hadron Collider, isang particle accelerator.


Ang LHC ay ginawa upang isagawa ang mga eksperimento at magsuri sa mga elemento sa mundo. Kaya nitong pagbanggain, pagsamahin at paghiwalayin ang mga particle upang malaman ang pinagmulan ng mga elemento, base sa Quantum mechanics.


Sa ngayon, wala pa ring nadiskubreng "God's particle," ito ang naging balakid sa pinagtatalunang "Big Bang Theory," at kung ang lahat ng bagay sa mundo ay nanggaling sa kamay ng Diyos o sa isang biglaan pangyayari lamang.


Naniniwala ang mga scientist ng CERN, nakaimbento sa LHC, na masasagot na rin ang katanungan ng sangkatauhan kung saan nanggaling ang lahat at kung mapatutanuyang may "God's particle." Sa ngayon, malaki ang paniniwala ni Higgs na iisa lang ang lumikha ng lahat.


Ang Big Bang Theory ay isa sa sinasabing pinagmulan ng Sandaigdigan. Base sa teorya, ang Sandaigdigan ay dating isang "extremely compact dense" at napakainit. Sa hindi malamang dahilan, nagkaroon ng biglaang cosmic explosion na tinawag na "Big Bang" na makalipas ang 13.7 bilyong taon ang Sandaigdigan ay lumawak at lumamig. Ang teorya ay base sa mathematical equations na tinatawag na field equations of general relativity ni Albert Einstein noong 1915. - 30-